In our videos, you can watch our journey to Yau Ma Tei, Hong Kong, where we respectfully visited their temples and observed the similarities in our spiritual beliefs and practices.
Ito ang ating kauna-unahang labas ng bansa kaya ating sinamantala ang pagkakataong ito upang alamin kung anong pakiramdam at ano ang pagkakaiba kung ikaw ay wala sa sarili mong bansa.
Ang unang-unang pakiramdam na mag ko-confirm sa iyo na wala ka sa Pilipinas ay ang salitang ginagamit ng tao sa pakikipag-usap. Tulad nalang sa airport dito pa lang ay mararamdaman mo nang papunta ka sa ibang lugar dahil sa makakarinig ka ng puro english na salita.
Bukod pa dito ang kanilang mga complexion na makikita mong hindi sila taga Pilipinas at mga bisita lamang ng ating Bansa.
Sa pagkapasok mo palang ng airport ay mayroon ng shifting na nangyayari hanggang sa makasakay ka sa eroplano at makarating sa iyong destinasyon na lugar o bansa na pupuntahan.
Tatlong araw at dalawang gabi ang inilagi namin ni Apu Adman sa Hongkong. Matagal tagal narin ito kung tutuusin subalit sa mga traveler’s na baguhang tulad ko ay parang isang araw lamang ito.
Ang main reason ng ating byahe papuntang Hongkong ay para makita ng personal at mabisita ang kanilang mga Sagradong Temple dahil ang bawat Templo nila ay nagtataglay ng mga kwento at kasaysayan na siyang wala sa ating bansa.
Ito ay mabibili at makikita mo sa bukana ng pintuan o sa entrance ng Templo nila. Mayroon din akong mga maliliit na papel na pahaba na nakita yun siguro ay sinusunog at sinusulatan ng mga petition or specific prayer nila para sa Deity ng Templo.
Ang ating mga Ninunong Babaylan ay walang mga Templo upang pagdausan ng mga Sagradong Gawain tulad ng mga Ritual para sa mga Diwata, Engkanto at Anito hindi tulad ng ibang mga bansa.
Akin ding nakita na ang bawat templo nila ay pinupuntahan at dinadayo hindi lamang ng mga local na tao sa Hongkong pati ng mga ibat-ibang lahi upang magbigay galang at manalangin. Isa narin tayo na humingi ng basbas at pagpapala mula sa mga Anito at Deity na nasa loob ng Templo.
Malaking kaibahan ang aking naranasan at naramdaman sa kanilang templo hindi katulad ng mga simbahang Katoliko na naririto sa bansang Pilipinas.
Ang templo na kanilang panalanginan at may malambot na parang unan upang luhuran habang ikaw ay nananalangin at ito ay nasa harapan malapit sa mga rebulto ng kanilang Deity.
Hindi din crowded ang loob kaya makakapag dasal ka ng mataimtim at paisa-isa na nagsasalitan sa pagluhod ang mga mananalangin.
Mararamdaman mo ang shifting ng energy ng paligid pag ikaw ay masyadong lumapit sa mga rebulto ng kailang Deity. Maaari karing makapamili ng mga offering na ibibigay mo sa Spirit ng mga Deity na present doon tulad ng insenso, kanila o traditional coins nila na kulay ginto.
Magkakaiba man ng mga anyo at katawagan sa mga Dakilan Espiritu at nilalang. Sila ay may iisang hangarin para sa ating lahat ito ay ang gabayan ang bawat tao na magkaroon ng matiwasay at magandangg buhay sa mundong ibabaw.
Sila ay handang tumulong, makinig at magbigay ng biyaya sa sinumang lalapit at mananawagan sa kanila.