Ito ay pumapatungkol sa mga tinatawag ng mga Diwata na siyang sagradong lalagyan o sisidlan ng kanilang Karunungan, Kaalamanan, Kakayahan, Kalakasan at Kapangyarihan.
This refers to what the Diwatas Spirits call the sacred vessel or repository of their Wisdom, Knowledge, Ability, Strength, and Power.
Lahat tayo ay may mga kanya-kanyang panawagan o kilala din sa tinatawag na “Spiritual Calling” lalo na sa panahong ito na karamihan o halos lahat sa atin ay hindi na alam na tayo ay may mga dugong Katalonan, Babaylan, Baylan o kung anumang iba pang katawagan na kasingkahulugan ng mga ating nabanggit.
All of us have our own callings, also known as a “Spiritual Calling”—especially in these times when most or almost all of us no longer know that we carry the blood of Katalonan, Babaylan, Baylan, or any other terms synonymous with those we have mentioned.
Aakalain at iisipin na lamang nating walang dugo ng Katalonan o Babaylan sa ating sistema sa kadahilanang lumaking sagrado Katoliko ang iilan sa atin, ibang paniniwala ang kinagisnan, maaaring ipinanganak at lumaki sa labas ng bansang Pilipinas o di kaya ay wala ng aktibong katutubong tribu na kinabibilangan.
We might simply assume and think that there is no Katalonan or Babaylan blood in our system just because some of us grew up devout Catholics, were raised with different beliefs, were born and raised outside of the Philippines, or no longer belong to an active indigenous tribe.
Kung ilan sa mga ito ang iyo o inyong kasalukuyang sitwasyon ay hindi nangangahulugang nawala ng tuluyan ang sagradong dugo ng ating lahing pinagmulan at pinanggalingan. Ito ay patuloy na sumasaatin at magpapatuloy ito sa pagdaloy hanggang sa inyong mga susunod na lahing pagyayamanin at palalawakin. At ito ay kusang lalabas at magigising sa inyong kailalimang damdamin kahit na ano pamang henerasyon ang iyong kinabibilangan o kinalalagyan sa kasalukuyang panahon.
If any of these reflects your current situation, it does not mean that the sacred blood of our ancestral lineage has completely disappeared. It remains within us and will continue to flow through your future generations who will enrich and expand it. And it will naturally emerge and awaken deep within your emotions, no matter what generation you belong to or where you find yourself in the present time.
Kung magkaganun man ang unang-una na kinakailangan mong gawin sa nararamdamang ito ay siguraduhing ito ay totoo at kusa mong nararamdaman. Nang sa ganun ay masimulang nasa ayos ang iyong pagtahak sa landas na iyong pipiliin.
If that is the case, the very first thing you need to do with what you are feeling is to make sure it is real and that you are feeling it of your own accord. That way, you can begin to properly tread the path you choose.
At ang susunod dito ay ang paghahanap ng tamang Tagapagturo at Tagapaggabay upang ikaw ay hulmahin at ihanda Physically, Mentally at Emotionally para maging isang sagradong sisidlan ng Kapangyarihan ng mga Diwata.
And the next step is to find the right Teacher and Guide to shape and prepare you physically, mentally, and emotionally to become a sacred vessel of the Diwatas’ power.
Bakit ang Pagbibigay-Lakas sa Iyong Enerhiya ang Aming Pinakamataas na Tungkulin? Ito ay para matutunang huwag iasa o umasa lamang sa isang guro na tagapagturo at ang isa pang katotohanan nito ay ang development ng isang practitioner ay buhat sa kanyang pansariling pagsisikap at sa kanyang disiplina.
Why is Empowering Your Energy Our Highest Duty? This is so you learn not to rely or depend solely on a single teacher or mentor, and another truth is that a practitioner’s development stems from their own personal effort and discipline.
Tulad ng aking paunang nabanggit na lahat tayo ay may dugong katalonan, lahat tayo ay pwedeng maging katalonan o binabaylan. Kaya kinakailangan na ito ay magamit lalo na sa ating pang personal na pangangailangan upang mas mapabuti natin ang ating buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na kalusugan at masaganang pamumuhay.
Just as I mentioned earlier, we all have the blood of a katalonan, and all of us can become a katalonan or binabaylan. Therefore, it needs to be utilized, especially for our personal needs, so that we can improve our lives through good health and an abundant livelihood.
Ang karunungan ng ating mga Ninunong Katalonan ay hindi lamang para sa ibang tao o sa ating community dahil pwede mo ring magamit ang karunungan at kaalamang ito sa iyong mga nais gawing pang personal o pang sarili.
The wisdom of our ancestral Katalonans is not just for other people or our community, because you can also use this wisdom and knowledge for your own personal or individual goals.
Tulad ng pagabot sa iyong mga nais maabot na mga pangarap, pagkakaroon ng masaganang kita sa iyong negosyong binuksan at marami pang iba.
Like reaching the dreams you wish to achieve, having an abundant income in the business you opened, and many others.
Hindi laging kinakailangan na maging isang manggagamot o espiritista kung iyo itong yayakapin ng buo lalo na sa buhay natin ngayon na kung saan ay moderno na ang ating panahon.
It is not always necessary to become a healer or a spiritualist when you embrace this fully, especially in our lives today where our era is already modern.
Para naman sa ating mga Katuruan ay maaari nyong bisitahin ang ating Buy Me a Coffee
As for our teachings, you may visit our Buy Me a Coffee at https://buymeacoffee.com/bahaysiadtala
Mayari Na! Magbaya Na!
