Binabaylan ng Luntiang Aghama


Hiwaga at Kapangyarihan.
Ating Alamin,
Ating Tuklasin,
Ating Kilalanin at
Ating Akapin.

Binabaylan ating kilalanin. Sino sila at ano ang kaugnayan nila sa mga Babaylan?

Marahil ang ilan sa atin ay may kaalamanan sa salitang “babaylan” at maaaring ang iba naman ay may nakilala at nakaharap ang ilan sa natitira nating mga Babaylan. Subalit sa mga hindi pa nakakakilala o nakakaalam.

Ang mga Babaylan ay nananatili at mananatiling buhay sa kabila ng moderno o makabagong panahon. Ang mga Babaylan ay s’ya ring ating mga ninuno. Sa ibang parte ng Pilipinas ang Babaylan ay tinatawag ding bailan, mumbaki o katalonan. Ito ay naka depende sa salitang pantawag ng isang tribo o ng bawat lahi ng mga Pilipino.

Ang mga Babaylan ang s’yang may hawak at tagapag ingat ng mga sagradong karunungang pisikal at Espirituwal ng ating mga ninuno o ng Anito. Sila ang tagapamagitan sa mundo ng mga espirito at ng mga tao. Ang s’yang tagapag panatili ng kaayusan at kapayapaan ng bawat nilikha at sa mga kadahilanang ito. Kaya naman sila ay binibigyang halaga at importansya sa tribu na kanilang kinabibilangan.

Ang katawagan o titulo na “Babaylan” ay hindi basta basta nakukuha o ibinibigay bagkos ito ay pinaghihirapan at pinagsusumikapan. Bago matanggap ang sagradong katawagan na ito ay dapat munang may mapatunayan upang maging karapat dapat sa titulong ito.

Ang ilan ay dumadaan sa mga matitinding pagsubok ng katawang pisikal at ng kakayahang espiritwal. Mayroon din namang mangilan-ngilan na kinakikitaan ng pambihirang kakayahang pisikal at espiritwal na s’yang palatandaan ng patnubay at gabay ng isang Diwata, Engkanto o Anito.

Ang pagiging isang ganap at tunay na “babaylan” ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad sa kanyang nasasakupan o sa tribo na kanyang kinabibilangan.

Ang tunay na mga Babaylan ay mayroong mga napatunayan sa isip, sa salita at lalong lalo na sa gawa.



Samantalang ang salitang “Binabaylan” naman ay ang katawagan na ginagamit ng Luntiang Aghama Natural Divine Arts Shrine of Healing Inc. / Landas ng Lahi bilang titulo para sa mga nagnanais na tahakin at sa tumatahak ng daan patungo sa pagiging isang ganap na “Babaylan”.

“Binabaylan” ang katawagang ginagamit bilang pagbibigay respeto sa mga Babaylan na nagpakahirap upang malampasan ang mga pagsubok para mapatunayan na sila ay karapat dapat sa titulong “Babaylan”.

Ang Binabaylan ay s’yang mag-aaral na kung saan ay patuloy nyang inaalam at tinutuklas kung paano maging isang ganap na “Babaylan”, kinikilala at inaakap ng buong katapatan ang karunungan at kaalamanang iginagawad ng mga Babaylang namumuhay at Babaylang kasama ng mga Anito.

Ang mga Binabaylan ay sya ring magiging taga-pangalaga at taga-ingat sa mga karunungan at kaalamanan ng ating lahing Babaylan na pinag mulan.

At ang Binabaylan ay magiging isang ganap na “Babaylan” sa pag dating ng tamang panahon.

Ang panahon ang s’yang susubok at maghuhubog sa bawat Binabaylan na tatahak sa Landas ng mga Babaylan.

Ito ay isang mahaba-habang paglalakbay.

Ito ay isang gawaing pang habang buhay.

Published by Lakay Magbaya Aghama

Lakay Alsent Magbaya Aghama was born as Alvin Lasquesty Sentin who is the only son of Agustin Octaviano Sentin and Myrna Deseo Lasquety. Born on the 10th of December 1983 and was gifted with Divine Abilities. His spiritual journey starts at the age of 9 when he discovered his father doing magick secretly. Then the calling towards spirituality continue to be revealed when he discovered that even is maternal grand father also practices Orasyon and Antingan which is a Christian Mystical practices of the converted Filipino at that time. During his High School years, the young Alvin become an active member of the Philippine Benevolent Missionary Association that is founded by the Divine Master Ruben Ecleo of the Dinagat Island, Philippines. Alvin served as a Missionary Healer of the Association until he found Neo Paganism through Majicka Eclectica on 2004 that later become known as Tribmaka. Upon joining the group Alvin was named as Alibata for he gain expertise on Filipino Rune Magick. In Majika Eclectica Baylan Alibata aside from being a Rune Master he also served as a Charm Maker. On 2011, Baylan Alibata took a formal study on Philippine Traditional and Indigenous Medicine through the Educational Ministry of Luntiang Aghama which is the Hilot Academy of Binabaylan and have gain the Title as Hilot Binabaylan. Through his continues study in the doctrines and teachings of Luntiang Aghama, Alvin Lasquety Sentin achieved his ordination to the Shrine thus from being Baylan Alibata he gained Membership to the Shrine and was ordained as Lakay Alsent Magbaya on December 16, 2012 and he was called to become a Binabaylan of Magbabaya on the 9th of March 2017. As of today Lakay Alsent Magbaya Aghama actively serves Luntiang Aghama Natural Divine Arts Shrine of Healing Inc. and serve as a Deputy Chief Priest of Landas ng Lahi, Temple Head of Templong Anituhan ng Luntiang Aghama, Director of Spiritual Healing Arts at Hilot Academy of Binabaylan, Founder and CEO of Bahay SiAdTala Binabaylan Inc., Founder and Initiator of Sibulan Adlaw Tala Baybayin Mystic Oracle.

Leave a comment