KAHALAGAHAN ng Legality & Religion

Inyong mapapanood kung ano ba ang Importansya ng pagkakaroon ng Legal na samahan at Legal na Relihiyon sa Panahon natin Ngayon.

Anong mga Benefits ang maidudulot at maibibigay nito sa isang Samahan at Myenbro nito.

SiAdTala TV

Anong Hiwaga at Misteryo ang Taglay ng BARYA (coins)?

Ang barya o coins ay alam at kilala ng lahat. Subalit atin ngayong aalamin ang kahalagahan at gamit nito sa Magick o Mahika.

Naranasan mo na bang makapulot ng Barya sa daan? O makakita nito sa ano mang uri ng sasakyan tulad ng jeep?

Kung “Oo”, ano ang ginagawa mo dito?

Una kung karanasan na makakita ng barya sa daan at malaman ang kahalagahan ng pagpulot at pagipon nito ay ng ako ay nasa high school dahil ito ang taon na kung saan ako ay nagsimula ng magbyahe mag-isa. Dati kasi mga elementary days ay walking distance ang school sa bahay kaya marahil kung may makita man ako that time ay hindi ko pansin.

Unang naaalala ko ay may mga times na nag kukulang ako ng pamasahe pauwi kaya ito rin nagiging dahilan ng paglalakad kesa pagsakay sa tricycle pauwi ng bahay tuwing uwian galing school. Minsan baka nalalaglagan ako sa aking bulsa o di kaya ay na papasobra ng pagbili ng pagkain.

Ilang beses itong nauulit hanggang sa dumating ang time na nag short ulit ako pero this time ay napaisip ako na “Sana may mapulot o Makita akong barya para sumakto sa pamasahe pauwi ng bahay”, kaisipang hindi sinasadya at inaakalang posibleng maganap at mangyari dahil sa paglalakad ko ay may nakita akong barya na sumakto sa kulang kung pamasahe bago pa man ako makarating sa terminal ng tricycle. “Swerte”, yan nalang nasabi ko sabay “salamat”, dahil hindi na ako makakapaglakad malayo-layong lakaran din kasi iyon pag nagkataon.

Ito ang naging paraan ko tuwing mararanasan ko ang mag short sa pamasahe. May mga times kasi na pag may pamasahe ako ay wala talaga akong nakikita kahit na ilang beses ako mag-isip na may makita sanang barya.

May isang sitwasyon din akong naranasan na hindi pa nababawasan ang dala kung pera ay may nakita na agad akong barya sa kalsada. Akala ko swerte na dahil may extra money na ako yun pala mag kukulang ako o mag sho-short ang dala kong pera at dahil sa napulot ko ay mapupunan nya ang kulang.

Ito ang naobserbahan ko kung paano dumadating o pumapasok ang barya. Kung hindi nasa dulo o hulihan. Ito ay nasa unahan. Ang mga ganitong paulit-ulit na experiences ang nag trigger ng aking curiosity. Ito rin ang naging palatandaan ko kung mag sho-short ako o hindi sa pamasahe o sa Pera na hawak ko. Ito rin ang naging simula na kada makita ko sa daan o sa sasakyan ay pinupulot ko hanggang sa naiipon ko na sila.

Naalala ko lang noong bata pa ako ang isa sa mga ginagawa nila mama tuwing may makakasalubong kami na prusisyon ng patay ay nag hahagis sila ng mga barya pag matatapatan ang sasakyan na may kabaong. May isang beses na may bumalik na barya sa paanan ko at pinulot ko ito at sinabihan akong ihagis ko ulit ito pabalik. Huwag ko daw ulit gagawin yun dahil iyon ay magdudulot ng malas.

At dahil sa mga na experience kung ito ay aking napag-alamanan at napag-aralan na ang mundo ay hindi lamang umiikot para sa mga may buhay o sa mga tao. Kundi ito ay umiikot sa lahat ng uri ng mga nilalang nakikita man o hindi nakikita. Ibig sabihin nito tayo ay hindi nag-iisa may mga nilalang sa ating paligid na handang tumulong sa oras ng ating pangangailangan. May mga nilalang na maaaring lingid sa ating kaalamanan na s’yang tumutulong at nakikinig sa atin.

Napulot na Barya sa Gilid ng Daan Papuntang Sementeryo

Kaya sa maliit na barya na ating matatagpuan ay pulutin at itabi ito dahil isa itong regalo mula sa nilalang na hindi natin nakikita. Ang pag pulot ay kahulugan ng pag tanggap ng biyaya o magandang opportunity dahil ang energy ng Pera ay connected sa income, business, money, work etc., At sa oras naman na nakararanas ng mga blockages sa mga plans o sa mga ginagawa at tinatrabaho ay maaaring magamit ang mga barya o coins na napulot at naipon bilang token o offering sa mga nilalang na hindi nakikita upang tayo ay tulungang alisin ang mga blockages sa ating mga plano. Ibulong lamang sa barya o coins ang iyong kahilingan at iwanan ito sa kalsada. Sa ganitong paraan ay muli mong ibinabalik sa kanila ang bagay na ibinigay nila kapalit ng kaganapan ng kahilingan mo. Isang gesture ito ng give and take o pagiging patas.

Ang pag hahagis o pagbibigay naman ng barya sa karo ng patay ay maaaring gawin para sa kahilingan na gumaling sa mga karamdaman o pagalis ng kamalasan at kabigatan ng buhay. Kaya kung may mga kahilingan na connected ang transformation, new beginning, mga bagay na gustong tapusin at bigyang tuldok maaaring gawin ang paghahagis ng barya sa karo ng patay kasabay ng iyong kahilingan.

🙏Mayari na Magbaya🙏

GABAY para sa BAGONG SIBOL

Ka aking panahon bata pa lamang ay nagiging curious na ako sa anting-anting, agimat, mutya, mahika at sa mundo ng mga Espiritu tulad ng Engkanto. Madalas ko na ring naririnig ang salitang Tawas, Engkanto, Kulam, Barang at Gayuma.

Sa video na aking ibabahagi ay inyong matututunan at malalaman ang aking sariling Karanasan, Na-obserbahan at Napag-aral kung paano ba dapat simulan ang pagtahak sa landas ng Mahika, Misteryo at Kababalaghan.

Ano ang mga dapat tandaan at tamang gawin upang maiwasan ang kapahamakan at trauma.

Nang sa ganun tayo ay lubusang matanggap, kilalanin at maintindihan ng ating Pamilya, Kaibigan at Lipunan.

Para sa mga gustong pasukin at akapin ang mundong ito ay hayaan nyo akong gabayan kayo ng kaunti na maaaring makatulong sa inyo upang mas maging kapakipakinabang at ma-enjoy ang bawat karanasan na inyong matatagpuan sa bawat karunungang at kaalamanan na inyong madidiskubre at matututunan.

🙏Mayari na Magbaya 🙏

SiAdTala Youtube Channel

Sa Likod Ng Itinagong Mukha

Ano ba ang mga ilan sa kadahilanan bakit ang mga Magickal Practitioner tulad ng Mangkukulam at Mambabarang ay kinakailangang itago ang kanilang nag-gagandahang mukha sa panahon ngayon?

Ito ba ay isang uri ng kanilang kaligtasan upang hindi mabalikan ng masamang Kulam na kanilang gagawin sa ibang Tao?

Ito ba ay makakapag dulot ng magandang resulta o epekto sa isang Magickal Practitioner?

Sa video na inyong mapapanood ay ating tatalakayin at pag-uusapan ang ilan sa mga posibleng dahilan ng pagtatago ng totoong identity ng isang Magickal Practitioner.

SiAdTala Youtube Channel

KALULUWAng naingkwentro sa SEMENTERYO

Sa video na inyong mapapanood ay Ang araw na kung saan kami ay bibisita sa puntod ni Nanay Raquel. Ina ni Apu Adman dahil matagal tagal narin kaming Hindi nakakabisita sa kanya sa sementeryo.

Bago kami dumerecho sa private cemetery na kung nasaan ang puntod ng nanay ni apu ay dumaan muna kami sa Unang sementeryo dahil ito ang Unang madadaanan bale tatlong sementeryo ito, dalawang public at isang private cemetery dito sa San Jose del Monte Bulacan at nasa dulo o pangatlo ang private cemetery.

Sa pagdaan namin ni Apu sa Unang sementeryo ay nagbigay galang kami dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga alay na alak, sigarilyo, kandila at bulakalak. Ang makikita ninyo sa video ay Ang malaking krus na kung saan lage kami nagaalay dati at ilang taon narin ang nakakalipas at ngayon lang ulit kami nakapag alay dito.

Ang ilalim ng krus sa video ay Ang Lugar kung saan inilalagay ang mga halo-halong buto na marahil ay kinalimutan na at sadyang pinabayaan dahil sa walang kakayahan na mapanatili ang kanilang upa sa nitso.

Sa video na ito ay ibinahagi namin ni Apu Adman ang katuruan at paniniwala bilang isang Luntiang Aghama kung paano makipag workout sa ating mga Ninuno. Kung paano magbigay ng alay sa mga Anito at kung paano gamitin ang sementeryo upang makipag ugnayan sa mga Kaluluwa at Espiritu.

🙏Mayari na Magbaya🙏

SiAd Tala YouTube Channel

KULAM, BARANG, BABAYLAN, BINABAYLAN. Dapat bang KATAKUTAN?

Ang pagiging “BABAYLAN” ay isang titulo na pinaghihirapan at ito ay iginagawad ng isang community o tribu na kanyang kinabibilangan. Kaya ang pagiging BABAYLAN ay may kaakibat na mabigat na responsibilidad sa kanyang sinasakupan. Hindi mo basta basta pwedeng gamitin ang titulong Babaylan sa pansariling kagustuhan at pansariling hangarin o kapakanan.

Subalit sa panahon pang kasalukuyan at modernong panahon. Ang Kahalagahan at kasagraduhan ng titulong “BABAYLAN” ay unti-unting nawawala at hindi na pinapahalagahan ng tama. Sa kadahilanang nagagamit at ginagamit na lamang ng pabasta-basta. Ang ilan ay ginagamit bilang Pangalan ng kanilang negosyo o ‘di kaya ay tawag sa isang organisasyon o samahan. Ang karamihan naman ay ginagamit na titulo pang sarili dahil sa naisipan lamang at nagandahan sa kadahilanang malakas ang dating ng salitang “Babaylan” o di kaya dahil sa ito ay nauuso.

Bilang pag respeto sa titulong Babaylan at sa mga tunay na Babaylan ng bawat tribu na nagpakahirap ng ilang taon upang makuha ang titulo ng pagiging isang ganap na babaylan ay aming tinatawag ang aming sarili bilang isang “BINABAYLAN”.

Ang salitang “binabaylan” ang ginagamit ng Luntiang Aghama bilang katawagan sa kanyang mga Pari.

Ang kahulugan din ng “binabaylan” ay Ang pag baybay o pagtahak na muli sa landas ng pagiging isang tunay at ganap na “Babaylan”, dahil ang mga Babaylan ay nagsisilbing mediator o tulay para sa mundo ng pisikal at sa mundo ng espiritwal. Ang mga Babaylan ang tagapag panatili ng kaayusan at kapayapaan ng dalawang mundong ito. Sila din ang nakikipag ugnayan o nakikipagusap sa ating mga Anito, Diwata at maging sa mga Engkanto at ang s’yang tagapag ingat ng karunungan, kaalaman at kapangyarihan ng mga ito.

Kaya bilang binabaylan tungkulin nating huwag tuluyang makalimutan, maibalik at mapanatili ang kanilang nasimulang mga gawain, paninilawa at ang kanilang mga ipinaglalaban sa isip, sa salita at sa gawa.

Sa tulong ng Luntiang Aghama at sa kanyang katuruan ang bawat Pari o kanyang binabaylan ay kanyang hinuhubog at hinuhulma upang mag taglay ng kakayahang manggamot (healer), maging isang tagapagturo (teacher), maging isang taga pamuno (leader), maging isang sisidlan at daluyan ng kapangyarihan (mystic) at maging isang tagapagtanggol (warrior).

Bilang isang Pilipino tayo ay nagmula sa Lahi ng mga Babaylan. Ang dugong nananalaytay sa atin ay ang dugong Babaylan. Kaya kung ano mang hiwaga, misteryo o kababalaghan na ating matutuklasan sa ating sarili o makikita sa ibang tao ay hindi natin ito dapat katakutan bagkus ay mas lalo natin itong tuklasin at alamin. Upang sa ganun ay atin itong mayakap ng buong-buo sa isip, sa salita at sa gawa.

Mayari na Magbaya.

SiAd Tala YouTube Channel

Kulam sa Sintas

Inyong masasaksihan at matututunan sa video na nasa baba kung paano gumawa ng isang kulam sa pamamagitan ng sintas.

Ang sintas na ginamit sa video ay mula sa sapatos. Maaari ding gumamit ng ibang uri ng panali basta ang haba nito ay kasing sukat ng sintas ng sapatos.

Ang kulam sa sintas ay ginagawa upang muling maibalik ang kuneks’yong nawala o naudlot. Kung ang isang tao ay bigla nalang hindi sayo nagparamdam o hindi na muling nagpakita.

Ang sintas ay nagsisimbulong koneks’yon ninyong dalawa, ang pagbuhol sa sintas naman ay ang pagbibigay tanda ng iyong intensyon at kagustuhan. Ang siyam na ulit ng pagbubuhol ng sintas ay ang pagpapatibay ng pundasyon ng iyong kagustuhan na magkaroong muli ng matibay na ugnayan sa pagitan ninyong dalawa.

Who influences you in Magick?

Im ALSent also known as Lakay Magbaya from Luntiang Aghama. My curiosity in magick and paranormal events hooked me during my grade school age. It was during the time When I accidentally discovered my father doing some weird stuff in their room. He uses a lot of colored candles, especially the green one and he arranges it in a circular form. He put a piece of dollar bill on the center of the circled candle and on the top of it he put a red apple. Then he whispers while his eyes are closed. Then after whispering he got the dollar bill where the apple is, then he burned the dollar bill on the top of the apple while doing this I heard him continuously whispering some words. After that he leaves the room while the candles are still burning and the ashes of the dollar bill  are still on the apple. He doesn’t touch anything and he just walks to the doorway and leaves the room.  After that my mind doesn’t stop questioning about that kind of weird stuff that I’ve never seen before in our family. After that I became aware and more observant of my father’s actions. Everytime he returns home from work I meet him first to greet him. That way I had the chance to check him if he brought me something or if he had something. In my observation everytime he brings colored candles he automatically locks himself alone in their room and he always does this after our dinner. And there’s a time that he doesn’t bring  anything and he doesn’t lock himself alone. One time because my desire to know is too strong I can’t control myself to ask my father directly about that. But he never gives me a reason nor explanation, he just says ‘’shut up and don’t ask me again about that’’ but in my deep inner self I really want to know that.

My other experience is through my grandfather on my mother’s side.  He’s into talismans and amulets. He wears different kinds of talisman like the triangular one with one eye and its back has a holy family and it’s made of ‘’tanso’’ or copper, the other type is the eye image back to back. According to my grandfather the tanso or copper is good for protection against witches. It is good for any type of hexing or cursing that is why it’s advisable to wear any kind of accessories made of tanso or copper. Then he also explain to me the difference of the two triangular type of talisman the first one with the image of eye and holy family at the back is good for family protection while the other type which is the back to back of an eye images is good for ‘’tagabulag’’ or for invisibility meaning if your wearing this talisman your invisible to the eye of those person who has a negative intention towards you. He also have a different kinds of amulet or ‘’mutya’’ like mutya ng ‘’langka’’ or jackfruit which is best to use if you have a business and ‘’mutya ng palay’’  or rice seed amulet for prosperity. He also taught me on how to activate and bless this talisman and amulet through a christian prayer. He also taught me what the right attitude of the person should be if they are carrying a talisman and amulet. Through my grandfather I found relief and answers to my deepest question. He gives me enlightenment, the inner spark starts to reveal and my path and journey start to begin.

Mayari na Magbaya.

Undas Dapat bang Katatakutan?

Tuwing sasapit ang undas nagiging abala ang lahat sa sementeryo na kung saan makikita mo naglilinis at nag pipintura ng kani-kanilang mga nitso.

At sa pagsapit ng araw ng undas halos lahat ay nag o over night sa sementeryo kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ito ang tradisyon nating mga Pilipino twing undas. Maghanda at magsama-sama mula sa mundo ng mga buhay at sa mundo ng mga yumao.

Subalit ano pa ba ang kahalagahan ng undas? Ano ba ang paniniwala ng ilan sa atin patungkol sa undas?

Para sa karagdagang kaalaman halika at tayo’y mag “Tao Po, Tao Po”, na kung saan ay tatalakayin at paguusapan natin sa Podcast na ito ang tungkol sa “UNDAS DAPAT BANG KATATAKUTAN?” at makakasama nating muli si Apu Adman ang Chief Priest ng Luntiang Aghama.

Lakay Magbaya Podcast at Spotify