Ang barya o coins ay alam at kilala ng lahat. Subalit atin ngayong aalamin ang kahalagahan at gamit nito sa Magick o Mahika.
Naranasan mo na bang makapulot ng Barya sa daan? O makakita nito sa ano mang uri ng sasakyan tulad ng jeep?
Kung “Oo”, ano ang ginagawa mo dito?
Una kung karanasan na makakita ng barya sa daan at malaman ang kahalagahan ng pagpulot at pagipon nito ay ng ako ay nasa high school dahil ito ang taon na kung saan ako ay nagsimula ng magbyahe mag-isa. Dati kasi mga elementary days ay walking distance ang school sa bahay kaya marahil kung may makita man ako that time ay hindi ko pansin.
Unang naaalala ko ay may mga times na nag kukulang ako ng pamasahe pauwi kaya ito rin nagiging dahilan ng paglalakad kesa pagsakay sa tricycle pauwi ng bahay tuwing uwian galing school. Minsan baka nalalaglagan ako sa aking bulsa o di kaya ay na papasobra ng pagbili ng pagkain.
Ilang beses itong nauulit hanggang sa dumating ang time na nag short ulit ako pero this time ay napaisip ako na “Sana may mapulot o Makita akong barya para sumakto sa pamasahe pauwi ng bahay”, kaisipang hindi sinasadya at inaakalang posibleng maganap at mangyari dahil sa paglalakad ko ay may nakita akong barya na sumakto sa kulang kung pamasahe bago pa man ako makarating sa terminal ng tricycle. “Swerte”, yan nalang nasabi ko sabay “salamat”, dahil hindi na ako makakapaglakad malayo-layong lakaran din kasi iyon pag nagkataon.
Ito ang naging paraan ko tuwing mararanasan ko ang mag short sa pamasahe. May mga times kasi na pag may pamasahe ako ay wala talaga akong nakikita kahit na ilang beses ako mag-isip na may makita sanang barya.
May isang sitwasyon din akong naranasan na hindi pa nababawasan ang dala kung pera ay may nakita na agad akong barya sa kalsada. Akala ko swerte na dahil may extra money na ako yun pala mag kukulang ako o mag sho-short ang dala kong pera at dahil sa napulot ko ay mapupunan nya ang kulang.
Ito ang naobserbahan ko kung paano dumadating o pumapasok ang barya. Kung hindi nasa dulo o hulihan. Ito ay nasa unahan. Ang mga ganitong paulit-ulit na experiences ang nag trigger ng aking curiosity. Ito rin ang naging palatandaan ko kung mag sho-short ako o hindi sa pamasahe o sa Pera na hawak ko. Ito rin ang naging simula na kada makita ko sa daan o sa sasakyan ay pinupulot ko hanggang sa naiipon ko na sila.
Naalala ko lang noong bata pa ako ang isa sa mga ginagawa nila mama tuwing may makakasalubong kami na prusisyon ng patay ay nag hahagis sila ng mga barya pag matatapatan ang sasakyan na may kabaong. May isang beses na may bumalik na barya sa paanan ko at pinulot ko ito at sinabihan akong ihagis ko ulit ito pabalik. Huwag ko daw ulit gagawin yun dahil iyon ay magdudulot ng malas.
At dahil sa mga na experience kung ito ay aking napag-alamanan at napag-aralan na ang mundo ay hindi lamang umiikot para sa mga may buhay o sa mga tao. Kundi ito ay umiikot sa lahat ng uri ng mga nilalang nakikita man o hindi nakikita. Ibig sabihin nito tayo ay hindi nag-iisa may mga nilalang sa ating paligid na handang tumulong sa oras ng ating pangangailangan. May mga nilalang na maaaring lingid sa ating kaalamanan na s’yang tumutulong at nakikinig sa atin.

Kaya sa maliit na barya na ating matatagpuan ay pulutin at itabi ito dahil isa itong regalo mula sa nilalang na hindi natin nakikita. Ang pag pulot ay kahulugan ng pag tanggap ng biyaya o magandang opportunity dahil ang energy ng Pera ay connected sa income, business, money, work etc., At sa oras naman na nakararanas ng mga blockages sa mga plans o sa mga ginagawa at tinatrabaho ay maaaring magamit ang mga barya o coins na napulot at naipon bilang token o offering sa mga nilalang na hindi nakikita upang tayo ay tulungang alisin ang mga blockages sa ating mga plano. Ibulong lamang sa barya o coins ang iyong kahilingan at iwanan ito sa kalsada. Sa ganitong paraan ay muli mong ibinabalik sa kanila ang bagay na ibinigay nila kapalit ng kaganapan ng kahilingan mo. Isang gesture ito ng give and take o pagiging patas.
Ang pag hahagis o pagbibigay naman ng barya sa karo ng patay ay maaaring gawin para sa kahilingan na gumaling sa mga karamdaman o pagalis ng kamalasan at kabigatan ng buhay. Kaya kung may mga kahilingan na connected ang transformation, new beginning, mga bagay na gustong tapusin at bigyang tuldok maaaring gawin ang paghahagis ng barya sa karo ng patay kasabay ng iyong kahilingan.
🙏Mayari na Magbaya🙏